Kapag nagtatrabaho sa Japan sa industriya ng pangangalaga mula sa ibang bansa, isang alalahanin ay ang komunikasyon sa mga Hapon. Ang komunikasyon ay may malaking bahagi sa pagtatrabaho sa pangangalaga. Sa mga panayam na ito, nakausap namin ang mga Hapon na nagtatrabaho kasama ang mga care worker mula sa iba’t ibang bansa.
Contents:
Panoorin din ang aktwal na interview video.
Ibinuod namin ang mga karanasan ng mga Hapon na nagtatrabaho sa mga pasilidad kasama ang mga banyagang care worker mula sa iba’t ibang bansa. Panoorin din ang aktwal na interview video.
〇Ms. Yoshida sa Tokushima Prefecture na nagtatrabaho kasama sina Mr. Nur at Mr. Faysal mula sa Bangladesh
〇Ms. Arai at Ms. Iida sa Ibaraki Prefecture na nagtatrabaho kasama sina Ms. Otgongerel at Ms. Sh?rentsetseg mula sa Mongolia
〇Ms. Kubota sa Nagasaki Prefecture na nagtatrabaho kasama sina Ms. Sihtumini at Ms. Ashini mula sa Sri Lanka
〇Ms. Murakami sa Ibaraki Prefecture na nagtatrabaho kasama si Ms. Pornpanitta mula sa Thailand
Ano ang mga positibong aspeto ng pagtatrabaho kasama ang isang banyagang staff?
Ms. Yoshida: Sa simula, hindi sila masyadong nakakapagsalita ng Hapon, at kulang ang kanilang pag-unawa. Kaya naman, sinikap kong makipagkomunika sa paraang madaling maintindihan. Sa pamamagitan ng pagpapabuti ng aking kakayahan sa pagtuturo habang nagtatrabaho kasama sila, naniniwala akong ako rin ay lumago.
Ms. Arai: Parehong masigla ang dalawa. Tumatawa sila at tumugon nang naaangkop, tulad ng pagsasabi ng, “Pasensya na, nagkamali ako!” kapag tinuturuan ko sila. Ang pagtatrabaho kasama sila ay isang kaaya-ayang karanasan dahil dito.
Ms. Iida: Ganoon din ang nararamdaman ko. Sila ay napakamasayahin, at kapag pumapasok sila sa floor, masigla silang bumabati ng “Magandang umaga!”. At ang mga resident ay napapangiti at naaalala sila bilang mga “masayahing bata”. Ang kanilang kasiyahan at kasipagan ay kapansin-pansin. Nagsisikap silang mag-aral kapag hindi mo sila nakikita, na nagbibigay inspirasyon din sa akin na magsumikap.
Ms. Arai: Gaya ng nabanggit ko bilang tugon sa unang tanong, kapansin-pansin ang kanilang kakayahang magpahayag ng pasasalamat at magsabi ng “Paumanhin”. Ang mga katangiang ito ay nagpapasaya sa pakikipag-ugnayan sa kanila. Nag-iiwan ito ng malakas na “positibong impresyon,” at talagang nais kong manatili sila rito nang mahabang panahon. Ang pagtatrabaho kasama sila ay isang napakasayang karanasan.
Ms. Iida: Kapag nakikipag-usap sila sa mga staff at resident, tinutulungan nilang buhayin ang lugar sa kanilang masiyahing mga reaksyon, na humahantong sa mas maraming pag-uusap at mas maraming ngiti. Talagang pinapasaya nila ang kapaligiran.
Ms. Kubota: Ang Sri Lanka ay may masaganang kultura ng curry, kaya bilang bahagi ng isang recreational activity, hinayaan namin ang mga trainee na gumawa ng Sri Lankan dhal curry. Nasubukan ito ng mga resident, at kahit na maaaring hindi ito isang pamilyar na lasa para sa maraming mga Japanese, memorable na makita ang lahat na nag-eenjoy sa pagkain at nagsasabing, “Masarap ito.”
Ms. Murakami: Palagi silang nakikitungo nang masaya. Nakikipag-ugnayan man sa mga resident o sa mga staff, palagi silang may ngiti sa kanilang mga mukha.
Ano ang reaksyon ng mga resident ng pasilidad sa mga banyagang staff?
Ms. Yoshida: Palagi silang nagsasalita para matuto ng Japanese. Mukhang enjoy na enjoy silang makipag-usap sa mga resident at staff. Bukod pa rito, positibo rin ang tugon ng mga resident, na masayang nakikipag-usap sa kanila.
Ms. Iida: Nagbibigay sila ng mga kandidong opinyon tulad ng, “Napakamasiyahin mo,” “Ang galing mong mag-Japanese,” at “Ang sipag mo.”
Ms. Arai: Nakikita ng mga resident kung gaano sila kasipag magtrabaho, kaya naniniwala ako na ang feedback na “Ang sipag mo” ay malamang na nakarating din kina Ms. Otgongerel at Ms. Sh?rentsetseg.
Ms. Kubota: Noong una, may mga natatakot na resident, ngunit ngayon, salamat sa mabait na pakikipag-ugnayan ng mga trainee, may mga resident na excited na makita sila sa kanilang shift.
Ms. Murakami: Walang anumang partikular na reklamo o negatibong feedback. Nakikipag-ugnayan sila sa lahat sa isang masiyahin at magalang na paraan, kaya naniniwala ako na ang mga resident ay komportable sa kanila tulad ng kung gaano sila kakomportable sa mga Hapon na staff.