Introduction to nursing care residence programs and the differences between them

Introduction to nursing care residence programs and the differences between them

Sa lahat ng dayuhan na gustong magtrabaho sa Japan, ang pagtatrabaho sa larangan ng nursing care ay nag-aalok ng maraming pakinabang. Maaari mong gamitin ang iba’t ibang programa ng paninirahan upang bumuo ng karera na nababagay sa iyo. Detalyadong ipapaliwanang ng artikulong ito ang mga tampok ng bawat programa: EPA, ang “Nursing

Care” na katayuan ng paninirahan, ang Technical Intern Training Program, at ang Specified Skilled Worker System. Mangyaring gamitin ito bilang reperensya upang gawin ang iyong mga unang hakbang patungo sa isang bagong karera sa Japan. Gagawin namin ang aming makakaya upang suportahan ang iyong tagumpay.

Contents:

1.EPA

<Pangkalahatang-ideya>

Ang mga kandidatong nursing care worker mula sa ilang partikular na bansa (Indonesia, ang Pilipinas, at Vietnam) ay kwalipikadaong mag-apply para sa programang ito sa ilalim ng Economic Partnership Agreement (EPA). Magsasagawa sila ng pagsasanay at magtatrabaho sa mga pasilidad ng pagtanggap na may layuning makuha ang pambansang kwalipikasyon ng nursing care worker.

<Mga Katangian>

Kapag nakapasa sa pambansang pagsusulit, makakapagtrabaho ka sa Japan bilang isang sertipikadong nursing care worker.

 

2.”Nursing Care” Status of Residence

<Pangkalahatang-ideya>

Ang katayuan ng paninirahan na ito ay ipinagkakaloob sa mga dayuhang mamayan na nasertipikahan bilang isang nursing care worker. Sa pamamagitan ng pagkuha ng “nursing care” status of residence, posibleng madala mo ang mga miyembro ng iyong pamilya sa Japan, at walang limitasyon sa bilang ng beses na maaari mong i-renew ang katayuan ng iyong paninirahan.

<Mga Katangian>

Kakailanganin mong ipasa ang pambansang pagsusulit para sa mga sertipikadong nursing care worker, at kinakailangan din na magkaroon ng kasanayan sa wikang Hapon. Maraming tao ang naglalayong magkaroon ng pangmatagalang karera sa larangan ng nursing care.

 

3. Technical Intern Training Program

<Pangkalahatang-ideya>

Ang layunin ng programang ito ay payagan ang mga nagsasanay na makakuha ng mga kasanayan sa larangan ng nursing care sa pamamagitan ng technical internship program. Kinakailangang bumalik ng mga nagsasanay sa kanilang bansa pagkatapos ng isang tukoy na panahon ng pagsasanay.

<Mga Katangian>

Ang mga nagsasanay ay nagtatrabaho sa ilalim ng pangangasiwa ng isang tagapagturo sa panahon ng kanilang mga pagsasanay, hinahayaan silang magkaroon ng karanasan. Kung matupad nila ang ilang kundisyon, pinapayagan silang lumipat sa sistema ng specified skilled worker at makasama sa pangmatagalang trabaho.

 

4. Specified Skilled Worker

<Pangkalahatang-ideya>

Ito ay isang katayuan ng paninirahan na ipinagkakaloob sa mga dayuhang mamamayan na may mga partikular na kasanayan. Ang mga may hawak ng Specified Skilled Worker (i) status of residence ay pinapayagang manirahan sa Japan nang hanggang limang taon.

<Mga Katangian>

Ang mga nakapasa sa Specified Skills examination at nakatapos ng Technical Intern Training ay kwalipikado sa sistema ng Specified Skilled Worker.

 

Layunin na makakuha ng pambansang kwalipikasyon bilang isang nursing care worker habang ikaw ay nagtatrabaho sa ilalim ng 3. Technical Intern Training Program o bilang isang 4. Specified Skilled Worker. Sa sandaling ikaw ay maging sertipikadong nursing care worker na may “Nursing Care” status of residence, madadala mo ang mga miyembro ng iyong pamilya sa Japan, at maaasahan mo na makakapagtrabaho ka nang pangmatagalan.

 

Mga Kasalukuyang Katayuan at Kalakaran

Sa pagtatapos ng Disyembre 2022, humigit-kumulang 40,000 na dayuhang nursing care worker ang nagtatrabaho sa Japan, at ayon sa datos na inilathala ng Immigration Services Agency, ang bilang ng “Specified Skilled Workers” ay umabot sa 39,011 katao sa pagtatapos ng Agosto 2024. Hindi kasama sa mga bilang na ito ang mga dayuhang mamamayan na may ibang katayuan ng paninirahan (permanenteng residente, asawa ng mamamayang Hapon, atbp.) Kung kasama ang mga ito, mas marami ang mga dayuhang nursing care worker na kasalukuyang nagtatrabaho sa Japan.

 

Ang Japan ay isa sa mga may pinakamatatanda sa lipunan sa mundo, at ang pangangailangan sa mga serbisyong pangangalaga ay tumataas kada taon. Habang tumatanda ang populasyon, humigit-kumulang 2.45 milyong nursing care worker ang kakailanganin sa katapusan ng 2025, ayon sa isang survey ng Ministry of Health, Labor and Welfare. Habang ang pangangailangan para sa mga nursing care worker ay patuloy na tataas sa hinaharap, inaasahan ang kaunting kakulangan ng mga oportunidad sa trabaho.