Sa Japan, may apat na seasons sa isang taon, na tinatawag na ‘apat na seasons’. Ang ‘apat na seasons’ ay isa sa mga pangunahing atraksyon at katangian ng Japan.
Contents:
Ano ang apat na seasons ng Japan?
Ang apat na seasons ng Japan ay “tagsibol, tag-init, taglagas, at taglamig”.
Tagsibol→Ang panahon ay unti-unting nagiging mainit at mas komportable. Ito ang season na namumulaklak ang mga cherry blossoms. (Marso hanggang Mayo)
Tag-init→May mga panahon na malakas ang ulan, na sinusundan ng pag-init ng panahon. (Hunyo hanggang Agosto)
Taglagas→Ito ang season na banayad ang init at nagiging mas komportable. (Setyembre hanggang Nobyembre)
Taglamig→Bumababa ang temperatura at lumalamig ang panahon. Umuulan ng niyebe sa ilang mga lugar (Disyembre hanggang Pebrero)
Maraming mga bansa bukod sa Japan ang may apat na seasons, ngunit ito ay nilalarawan ng natatanging mga pagbabago sa season kada tatlong buwan.
Halina ng apat na seasons
Sa bawat season, ang uri ng mga bulaklak na namumulaklak at kulay ng mga puno ay nagbabago.
May iba’t ibang gulay at prutas na maaaring anihin, at pagkaing-dagat depende sa season.
Ang halina ng apat na seasons ay mararamdaman mo ang mga pagbabago ng seasons sa iyong araw-araw na buhay, hindi lamang ang init at lamig, kundi pati ang pagbabago sa kalikasan at pagkain.
Sa Japan, may maraming mga kaganapang nauugnay sa apat na seasons. Halimbawa, panonood ng cherry blossoms sa tagsibol, fireworks sa tag-init, at iba pa. Ang pagdama ng seasons sa pamamagitan ng mga kaganapang nauugnay sa apat na seasons ay isa sa mga kultura ng Japan.
I-enjoy natin ang mga pagbabago ng apat na seasons sa Japan. Magiging kasiya-siya ang iyong pamumuhay sa Japan at makakatulong ito sa pakikipag-ugnayan sa matatanda.
Epekto sa pamumuhay
Ang klima sa Japan na nahihirapan ang mga dayuhan ay ang mainit na tag-init at malamig na taglamig.
Karamihan sa mga tao na tumitingin sa website na ito ay malamang na nakatira sa mga bansang may tag-araw at tag-ulan. Kahit ang mga taong mula sa mga bansa kung saan buong taon ay mainit ay nagugulat sa kung gaano kainit at humid, at gaano karami ang bagyo sa Japan tuwing tag-init. Sa taglamig, ang temperatura ay bumabagsak nang husto. Ang temperatura sa ilang mga lugar ay bumababa sa freezing point at umuulan ng niyebe.
Isa din sa mga katangian ng apat na seasons sa Japan ay kailangan magpalit ng damit depende sa season.
Anong mangyayari kapag umulan ng niyebe?
Umuulan ng niyebe mula Disyembre hanggang Pebrero sa Japan. Dahil ang niyebe ay gawa sa ice crystals, mas mababa ang temperatura. Ang Japan ay isang mahabang bansa mula hilaga hanggang timog, kaya ang ilang mga lugar na nagkakaroon ng ilang metro ng niyebe, habang ang iba naman ay hindi talaga nagkakaroon ng niyebe sa buong taon. Kapag umulan ng niyebe, nagiging mayelo ang kalsada at nagkakaroon ng panganib na madulas. Kailangan mong mag-ingat na hindi mahulog habang naglalakad sa kalsada. Mapanganib gumamit ng bisikleta kapag may niyebe. Kapag umuulan nang husto ng niyebe, nagiging mas matagal ang paglalakbay kaysa karaniwan dahil, humihinto ang mga tren at bus, nagiging matao ang mga kalsada, at kailangan mong mag-ingat sa paglalakad para maiwasan mahulog. Magandang ideya na kumilos nang maaga.
Mahirap masanay sa pagkakaiba sa temperatura sa umpisa, ngunit karamihan sa mga indoor place (bahay, pasilidad, tindahan, atbp.) ay may air conditioning at heating. Kaya unti-unti kang masasanay sa sa klima ng Japan.