Tips para sa pamumuhay sa Japan

Tips para sa pamumuhay sa Japan

Kapag napagpasiyahan mong pumunta sa Japan para magtrabaho bilang care worker, malamang ay magiging abala ka sa pag-aaral at paghahanda para sa pagpasok sa trabaho. Kasabay nito, kakailanganin mo mangolekta ng impormasyon tungkol sa pamumuhay sa Japan. Ang mga bagay ay maaaring mag-iba depende sa kung saang lungsod ka magtatrabaho, ngunit narito ang ilan sa mga tip sa pamumuhay sa Japan batay sa mga survey at panayam sa mga dayuhang may karanasan magtrabaho sa Japan. Gamitin ito bilang isang sanggunian para maiwasan ang mga problema kapag pumunta at nanirahan sa Japan.

Contents:

Para maiwasan ang homesickness

Sa pagsisimula ng bagong trabaho at bagong buhay sa bagong kapaligiran, lalo na sa Japanese, ang ilang tao ay nakakaramdam ng homesickness. Paano nalalampasan ng mga dayuhang naninirahan sa Japan ang homesickness?

Sinabi ni Mr. Mani Gyawali na pumunta sa Japan mula Nepal, “Noong una, nakaramdam ako ng homesickness, ngunit sa tulong ng aking mga kaibigan, kasamahan sa trabaho, guro sa language school, mabilis akong nasanay sa lipunan ng Japan. Palagi akong nakikipagkomunika sa aking pamilya sa aking sariling bansa sa pamamagitan telepono at mga libreng phone apps. Gumagamit din kami ng apps sa smartphone, atbp. para mag-video call.

Ipinayo ni Ms. Anarbayar Renchinkhorol mula Mongolia, “Kapag pupunta ako sa isang Mongolian restaurant, ang lasa ng pagkain, kumbersasyon sa mga tao, atbp. ay nakakapagbigay sakin ng pakiramdam na para akong nasa aking sariling bansa. Magandang ideya ang pumunta minsan sa mga restawran na may pagkain mula sa iyong sariling bansa.”

Gayundin, kung nakakaramdam ka ng labis na homesickness o nahihirapan ang iyong mental na kalagayan, maaari kang gumamit ng mga libreng counseling service. May nagsabi, “Kapag ako ay na-hohomesick at wala akong makausap tungkol dito, gumagamit ako ako ng counseling service, kahit na ito ay nasa English.” Para sa iyong sanggunian, may mga serbisyo rin na gaya ng mga ito:

・Helpline for foreign languages

・TELL

 

Imprastraktura sa pamumuhay

Ang Japan ay may magagandang imprastraktura kahit sa mga probinsya. May kuryente, gas, at tubig halos kahit saan ka nakatira. “Sa aking sariling bansa, hindi ko maisip na magagamit ang tubig mula sa gripo nang hindi nababahala tulad ng sa Japan. Ang tubig mula sa gripo sa Japan ay napakalinis at ligtas inumin. Maaari kang mabuhay nang hindi nag-aalala ng kung anuman tungkol sa imprastraktura sa pamumuhay, kaya maaari kang magkaroon ng napakaligtas at masayang buhay,” sinabi ni Mr. Mani Gyawali mula Nepal.

Sinabi din ni Annie mula Pilipinas, “Ang sistema ng transportasyon sa Japan ay kombiniyente, ligtas, at madaling gamitin.” Gayundin, maaaring may mga tao mula sa mga bansa na hindi sanay gumamit ng gas, ngunit kung babasahin mo ang instruction manual, atbp. magagamit mo ang gas nang walang pag-aalala.

Ang saklaw ng Internet connection ay umaabot halos sa buong Japan. Madalas din nakakakuha ng signal sa cell phone maliban kung pupunta ka sa kaloob-looban ng kabundukan. Gayunpaman, kapag pumunta ka sa Japan mula sa ibang bansa, maaaring medyo mahal ang communication fee. “Ang inaalala ko sa imprastraktura sa pamumuhay ay malaki ang singil ng mga pangunahing carrier ng telekomunikasyon sa paggamit at may mga limitasyon din dami ng sa data na magagamit,” komento ng isang tao.

 

Pera at mga point card

“Sa totoo lang, ang pag-withdraw ng pera at pagpapadala ay mas kombiniyente sa Mongolia. Kailangan mo maghintay ng mahabang oras sa mga Japanese banks, maaaring mag-charge ng fee para sa pag-withdraw mula sa mga ATM, at ang mga fee na ito ay maaaring mag-iba depende sa oras at araw ng linggo,” sinabi sa amin ni Ms. Anarbayar Renchinkhoro mula Mongolia. Dahil dumarami ang mga serbisyo ng online banking sa Japan, hindi na kailangan pumunta sa bangko at pumila tulad ng dati, ngunit ang banking fee ay maaaring mas mahal kaysa sa ibang bansa. Bukod sa mobile banking, nagiging sikat ang mga IC card at mobile payment, at ang mga serbisyo na may kaugnayan sa pera sa Japan ay nagiging mas kombiniyente.

Higit pa rito, ang mga point card ay karaniwang na ginagamit din sa Japan. Maaari kang mag-ipon at kombiniyenteng mag-redeem ng points sa mga tindahan, restawran, at convenience store. “Sinubukan kong gumamit ng iba’t ibang point cards sa mga lugar tulad ng mga convenience store at supermarket para maka-ipon ng pera kahit kaunti,” komento ng isang tao.

 

Mga convenience store

Ang convenience store ay isa mga lugar na tiyak na gagamitin mo kapag maninirahan ka sa Japan. Hindi exaggeration na sabihin na may mga convenience store kahit saan ka pumunta sa Japan. “Bago ang paglaganap ng COVID-19, pumupunta ako sa convenience store sa average na tatlong beses sa isang linggo. Hangga’t maaari bumibili ako ng pagkain/sangkap sa supermarket ngunit kapag may mga nakalimutan akong bilhin na pagkain/sangkap o hindi ko gusto magluto, bumibili ako ng bento (packed meal) sa convenience store. Ang mga convenience store ay maaari din gamitin para sa pag-print, courier service, ATM, atbp. Higit pa rito, maaari ka din magbayad ng bill sa kuryente at tubig o bumili ng tiket para mga event,” sinabi sa amin ni Annie mula sa Pilipinas. Maraming mga 24-hour na tindahan sa Japan, kabilang ang mga convenience store.