Online Seminar: Komprehensibong paliwanag tungkol sa “Pambansang pagsusulit para sa Certified Care Worker” (Para sa mga banyagang tagapangalaga)

Online Seminar: Komprehensibong paliwanag tungkol sa “Pambansang pagsusulit para sa Certified Care Worker” (Para sa mga banyagang tagapangalaga)

Noong Marso 25, 2024, inihayag ang resulta ng pambansang pagsusulit para sa Certified Care Worker. Sa taong ito, 74,595 tao ang kumuha ng pagsusulit at 61,747 tao ang naging bagong Certified Care Worker.

Binabati namin ang lahat ng pumasa! At maraming salamat sa inyong pagsisikap sa pag-aaral para sa pagsusulit habang nagtatrabaho.

Ngayon, nag-aalok ang Japan Care Worker Guide ng serye para sa mga banyagang tagapangalaga ukol sa “Pambansang pagsusulit para sa Certified Care Worker.”

Ipinapakilala namin ang online seminar na pinamagatang “Pambansang pagsusulit para sa Certified Care Worker” na pinangunahan ni Professor Sayuri Igarashi.

Maaaring panoorin ang buong seminar sa YouTube sa “Japan Care Worker Guide” o sa aming Facebook page.

Available din ito sa Instagram.

Contents:

Nilalaman ng Online Seminar: Komprehensibong paliwanag tungkol sa "Pambansang pagsusulit para sa Certified Care Worker" ni Professor Igarashi

1. Buod ng pambansang pagsusulit para sa Certified Care Worker
・Paano makakuha ng kwalipikasyon para sa pagsusulit
・Paraan ng pag-aplay, format ng mga tanong, at mga pamantayan sa pagpasa sa pambansang pagsusulit para sa Certified Care Worker
・Rate ng mga pumasa at marka na kailangan para pumasa sa mga nakaraang pambansang pagsusulit para sa Certified Care Worker

2. Tingnan natin ang mga aktwal na tanong! Breakdown ng 125 tanong
・Mga area, 13 paksa, at bilang ng mga tanong
・Nilalaman ng pagsusulit sa umaga at hapon
・Pangunahing nilalaman ng bawat area at bilang ng mga tanong
① Tao at lipunan – 18 tanong
② Mekanismo ng isip at katawan – 40 tanong
③ Medikal na pangangalaga – 5 tanong
④ Pangangalaga – 50 tanong
⑤ Pangkalahatang tanong – 12 tanong (mga tanong na sumasaklaw sa 12 paksa)

3. Aling mga paksa ang partikular na mahirap kuhanan ng mataas na marka? Mga tip at punto para sa pagkuha ng pagsusulit

4. Mga rekomendadong estratehiya para sa pagsusulit
・Pamamaraan ng pag-aaral
・Mga gawi sa pamumuhay

5. Makinig sa mga kwento ng iyong mga senior!

 

Profile ni Professor Sayuri Igarashi

Direktor ng Welfare Human Resource Development Institute at M&L

Kasabay ng pagsisimula ng nursing insurance, nagsilbi siya bilang care manager sa YMCA home care office habang nagtuturo din sa YMCA Welfare Vocational School.

Mula noong 2007, naging punong-guro siya ng parehong paaralan at kasalukuyang siyang direktor ng Welfare Human Resource Development Institute at M&L.

Isa siyang eksperto sa pagsasanay na nakabatay sa medical evidence.

[Maikling Curriculum Vitae] Punong-guro ng YMCA Welfare Vocational School, Tagapamahala ng external training, Direktor ng Academic Affairs, at Guro sa mga paksang medikal at praktikal na pagsasanay.

[Mga pangunahing kwalipikasyon] Nurse, Public Health Nurse, Care Support Specialist, Care Instructor, Medical Care Instructor