Kung magsisimula kang manirahan sa Japan, may mga pasilidad na nagbibigay ng lugar na matitirhan, ngunit kailangan na ikaw ang magbayad para sa mga gastusin sa pamumuhay tulad ng renta at pagkain, mula sa iyong suweldo. Para magawa ito, makabubuting malaman mo ang estimasyon kung magkano ang kailangan mo kada buwan. Ipapaliwanag namin kung magkano ang kailangan ng isang taong naninirahan mag-isa sa Japan sa isang buwan.
Contents:
Gastos sa pamumuhay sa isang buwan
Ayon sa survey ng Ministry of Internal Affairs and Communications, ang buwanang average ng paggastos ng konsumer (gastusin sa pamumuhay para sa mga indibidwal at kanilang pamilya para mapanatili ang pamumuhay) ng isang taong naninirahan mag-isa sa Japan (average na 58.5 taong gulang) para sa taong 2020 ay humigit-kumulang 150,000 yen. Gayunpaman, dahil ang data ay ang average ayon sa household survey sa buong Japan, isaalang-alang na sa mga lugar kung saan mataas ang rate ng renta tulad ng sa Tokyo, ang renta ay partikular na mas mataas at ang buwanang gastusin sa pamumuhay ay mas mataas nang kaunti. Pinakamalaki ang gastusin mula Setyembre hanggang Disyembre sa buong taon.
Source: Ministry of Internal Affairs and Communications, Family Income and Expenditure Survey https://www.stat.go.jp/data/kakei/2020np/gaikyo/pdf/gk02.pdf
Tingnan natin ang breakdown. Ang average na halaga ng pera para sa ipon ay humigit-kumulang 40,000 yen. Tila ang karamihan sa mga taong naninirahan mag-isa sa Japan, kasama ang mga Hapon, ay sinusubukang makatipid hangga’t maaari sa gastusin tulad ng gastos sa pagkain at bayarin sa utility, at sa halip ay ginagamit ang perang iyon para sa entertainment o para sa savings.
Renta: Humigit-kumulang 20,000 yen
Pagkain: Humigit-kumulang 40,000 yen
Tubig at utilities: Humigit-kumulang 12,000 yen
Komunikasyon: Humigit-kumulang 7,000 yen
Damit at pang-araw-araw na pangangailangan: Humigit-kumulang 5,000 yen
Dating at entertainment: Humigit-kumulang 28,000 yen
Medikal na gastusin: Humigit-kumulang 7,000 yen
Iba pang gastusin: Humigit-kumulang 33,000 yen
Kabuuan: Humigit-kumulang 152,000 yen
Ang renta at pagkain ay humigit-kumulang 40% ng buwanang gastusin sa pamumuhay
Ayon sa data ng paggastos ng konsumer, ang average ng renta ay humigit-kumulang 20,000 yen, ngunit mapapansin na may malaking pagkakaiba depende sa kung saan ka nakatira. Samakatuwid, kung napagpasiyahan mo na ang lugar kung saan mo gustong tumira o magtrabaho, maaari kang aktwal na mag-search sa Internet at kumuha ng ideya sa tinatayang halaga ng renta.
Dagdag pa rito, ayon sa data ng paggastos ng consumer, makikita na ang mga taong naninirahan mag-isa sa Japan ay gumagastos ng humigit-kumulang 40,000 yen para sa pagkain. Ang ilang mga tao na nagluluto para sa kanilang sarili ay bumibili ng pagkain/sangkap sa supermarket nang maramihan, naghahanda ng kanilang pagkain sa weekend, at nagdadala ng bento sa kanilang lugar ng trabaho. Ang mga taong hindi magaling maghanda ng kanilang sariling pagkain ay bumibili ng bento sa convenience store o kumakain sa mga chain store.
Ano ang mga tips para sa pag-iipon ng pera?
Para sa mga naninirahan sa Japan nang mag-isa, maraming tao ang nag-aalala sa paninirahan mag-isa sa Japan dahil sa mataas na cost of living. Kaya kung isa ka sa mga taong iyon, narito ang mga tips para sa pag-iipon ng pera. Ang gastusin sa pamumuhay ay nahahati nang malaki sa dalawang kategorya: variable expenses, na nag-iiba ang halaga ng mga gastusin kada buwan, at fixed expenses, na nakapirming halaga ng gastusin kada buwan. Ang halaga ng variable expenses, tulad ng pagkain, entertainment, at medikal na gastusin ay maaaring mag-iba nang husto depende sa iyong sitwasyon, kaya kahit na subukan mong mag-ipon, medyo mahirap ito. Sa kabilang banda, sa pamamagitan ng pag-review ng kontrata para sa fixed expenses, maaari kang maka-ipon nang tuloy-tuloy. Kapag iniisip mo ang tungkol sa fixed expenses, ang renta at komunikasyon ang naiisip, at ang marerekomenda namin ay ang pag-ipon ng pera para sa gastusin sa komunikasyon.
Tingnan natin ang gastusin sa komunikasyon sa mobile phone
Ayon sa data ng paggastos ng konsumer, ang average ng buwanan na halaga ng gastusin sa komunikasyon para sa mga naninirahan mag-isa sa Japan ay humigit-kumulang 7,000 yen. Ito ay nagiging 84,000 yen sa kabuuan sa isang taon. Sa mga nakaraang taon, may mga kumpanya na nagsimulang mag-offer ng mataas na kalidad ng serbisyo ng komunikasyon sa mababang buwanang bayad. Sa Marso 2021, nang inanunsyo ng Ministry of Internal Affairs and Communications ang singil sa mobile phone sa anim na lungsod sa buong mundo, kabilang ang Tokyo, ang Tokyo ang pangalawa sa pinaka-abot-kayang presyo pagkatapos ng London, na may sikat na plan, na may 20 GB na buwanang kapasidad ng data, na inaalok sa humigit-kumulang 3,000 yen kada buwan.
Magagamit mo nang komportable ang iyong smartphone at Internet kahit hindi ka pumili ng pangunahing carrier; dahil dito, posibleng makatipid ng malaking halaga sa gastusin sa pamumuhay sa pamamagitan ng pag-review sa iyong gastusin sa komunikasyon. Kung makakatipid ka ng 2,000 yen kada buwan sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay tulad ng paglipat sa mas abot-kayang presyo ng optical network at paggamit ng murang SIM, ang iyong gastusin sa pamumuhay ay bababa nang 24,000 yen kada taon. Karamihan sa plan ng smartphone ay nakatakda ang rate batay sa laki ng data, kaya suriin mo ang iyong paggamit ng humigit-kumulang tatlong buwan para malaman kung gaano karaming GB ang sapat para sa iyo, at pagkatapos ay magpasya kung anong contract plan ang iyong kukunin.