Ang pagharap sa hamon ng pagsakay ng lokal na bus sa Japan ay maaaring maging nakakatakot para sa mga taong naninirahan sa Japan sa unang pagkakataon. Gayunpaman, ang pagharap sa hamon ng pagsakay ng bus sa Japan ay gagawing mas kombiniyente, simple, at masaya ang iyong pamumuhay sa Japan.
Contents:
Subukang sumakay ng bus sa Japan
Ang pampublikong transportasyon sa Japan ay napaka-developed. Ang malawak na railway network at bullet train ang madalas na naiisip. Sa partikular, ang mga tren ay ang pangunahing paraan ng transportasyon sa buong Japan, ngunit hindi ibig sabihin na ang linya ng tren ay nakakapunta kahit saan. Sa mga ganitong kaso, kombiniyente na gumamit ng bus, Gayundin, may ilang mga lugar din na kaunti ang dalas ng pagdaan ng bus kada araw, kaya mag-ingat.
Paraan ng pagsakay
Ang mga pasahero ay kailangan sumakay mula sa pinto na nasa harapan o likuran ng bus. Kapag sasakay ng bus, kumuha agad ng tiket mula sa machine na nasa loob. Pagkatapos, maghanap ng bakanteng upuan. Tingnan ang elektronikong display malapit sa driver. Ipinapakita rito ang sunod na stop. Sa mga popular na tourist attraction, maaaring may English, Chinese, at iba pang wika, ngunit wala nito sa karamihan ng mga bus. Kung nag-aalala ka kung nakasakay ka sa tamang bus, magtanong ng “Kono basu wa 〇〇 ni ikimasu ka?” (“Pupunta ba ang bus na ito sa 〇〇?”) kapag sasakay ng bus. Inirerekomenda din namin na sabihan ang driver kung saan ang iyong destinasyon kapag sasakay ng bus.
Bago sumakay ng bus, mahalaga na alam mo ang kanji para sa destinasyon na iyong gusto puntahan. Kapag malapit ka na sa iyong stop, pindutin ang button na umiilaw ng pula o dilaw malapit sa iyong upuan. Ipapaalam nito sa driver na kailangan tumigil ang bus.
Paraan ng pagbabayad
Para sa karamihan ng mga bus, ang pamasahe ay binabayad kapag bababa. Sa karamihan ng mga bus, ang pamasahe ay nagbabago ayon sa distansya ng biyahe. Tingnan ang numerong nakasulat sa tiket sa display sa tabi ng driver. Ang pamasahe ay naka-display sa yen. Kung kailangan mo ng sukli, may change machine malapit sa driver. Panghuli, ilagay ang pamasahe sa bus at ang tiket na nakuha mo pagsakay ng bus sa transparent na kahon sa tabi ng driver. Pagkatapos, maaari ka nang bumaba sa bus.
Ang ilang mga bus sa Tokyo, Kyoto, at iba pa ay sumisingil ng pamasahe sa pagpasok. Sa kasong ito, sa halip na flexible na pamasahe ayon sa oras ng pagsakay sa bus, ang pamasahe ay fixed rate. Karamihan sa mga bus na may ganitong setting ay papasok sa harap at lalabas sa likuran.
Kombiniyenteng IC card
Ang mga IC card ay maaaring bilhin sa mga bus, tren, convenience store, at ilang mga vending machine, at kailangang-kailangan to sa pamumuhay sa Japan. Lalo na’t kombiniyente ito kapag sasakay ng bus. Gayundin, kung gagamit ka ng IC card, may kaunting discount sa regular na presyo. Kapag sasakay o bababa ng bus, o sa parehong ito, i-tap ang iyong IC card sa sensor.
Pag-uugali sa pagsakay ng bus sa Japan
Sundin ang mga pag-uugali kapag sasakay ng bus. Halimbawa, ang pagkikipag-usap sa telepono ay ipinagbabawal sa loob ng bus. Patayin ang iyong mobile phone o mag-switch sa silent mode. Kung gagamit ka ng earphones, i-adjust ang volume nito na hindi ka makakaabala sa mga tao sa iyong paligid.
Huwag itulak ang upuan sa iyong harapan gamit ang iyong paa o tuhod. Huwag iwanan ang iyong mga gamit o iba pang bagay sa upuan sa tabi mo o sa aisle. Gayundin, iuwi mo ang iyong basura. Huwag maglakad-lakad habang tumatakbo ang bus dahil ito ay delikado.