Sa 2012, ang Washoku (Japanese na pagkain) ay narehistro sa intangible cultural heritage ng UNESCO. Ang Japanese na pagkain na gumagamit ng pagkaing-dagat at produktong mula sa bundok ay sikat kahit sa ibang bansa, at maraming mga dayuhan ang bumibisita sa Japan para mag-enjoy kumain ng Japanese na pagkain. Narito ang ilan sa mga Japanese na pagkain na gusto ng mga dayuhan batay sa mga panayam sa mga dayuhang nagtatrabaho sa Japan.
Contents:
Kinatawan ng Japan! Sushi
Paborito ni Mr./Ms. Pornpanitta Torpithakpong mula sa Thailand ang Japanese na pagkain na sushi. Paborito din ni Mr./Ms. Ayu mula Indonesia ang sushi. Paborito ni Mr./Ms. Kh?gjilt Otgongerel mula Mongolia ang sashimi. Ang sashimi ay isang dish kung saan ang sariwang hilaw na isda ay hinihiwa nang manipis, sinasawsaw sa toyo, at kinakain nang ganoon. Maa-appreciate mo ang kagandahan ng Japan sa pag-aayos ng pagkain nang maayos upang magmukha itong kaaya-aya sa paningin. Ang sushi ay isang dish ng sashimi na inihahain kasama ng vinegared rice, na nagiging popular ngayon sa buong mundo. Ang sushi ay may iba’t ibang uri, bukod sa “nigirizushi”, mayroong “makizushi”, “chirashizushi”, at “oshizushi”. May mga restawran din na may “kaitenzushi”, isang sistema kung saan ang sushi ay sunod-sunod na inihahatid ng conveyor belt. Ang sushi ay hindi lamang available sa mga high-class sushi restaurant, ngunit madali itong mabibili sa mga Japanese supermarket, convenience store, atbp.
Japanese rice bowls na may maraming variation
Sinabi ni Ms. Lovely Estorgio mula Pilipinas, “I love donburi (Gusto ko ang donburi)”. Ang donburi ay isang dish na may mangkok ng kanin at nilalagyan ng sangkap sa ibabaw. May maraming donburi sa Japan tulad ng katsudon (pork cutlet bowl), tendon (tempura bowl), gyudon (beef bowl), oyakodon (chicken and egg bowl), at kaisendon (seafood bowl). Ang donburi ay tinatawag gamit ang pangalan ng dish na may “〇〇 don” (“〇〇 bowl”) sa huli, tulad ng “gyudon” (“beef bowl”), “katsudon” (“pork cutlet bowl”).
Ang gyudon ay isang mangkok ng kanin na may maninipis na slice ng baka, piniritong sibuyas, at tinimplahan ng matamis at maanghang na sarsa. Ang katsudon ay isang mangkok ng kanin na nilagyan ng pork cutlet na niluto sa sarsa kasama ng sibuyas at hinaluan ng itlog. Ang oyakodon ay isang mangkok ng kanin na may manok na niluto sa sarsa kasama ng sibuyas at hinaluan ng itlog. Tinawag itong “oyakodon” dahil isa itong donburi na gumagamit ng manok at itlog. May ilang mga chain restaurant sa Japan na naghahain ng donburi tulad ng gyudon, tendon, at katsudon, na sikat dahil nagbibigay sila ng madaling kainin at masaganang pagkain.
Yakisoba na lasa ng pagkain sa aking sariling bansa
Sinabi ni Ms. Marie Stella Vi S. Moreno na mula rin sa Pilipinas, “Ang unang Japanese na pagkain na kinain ko sa Japan ay ang takoyaki. Kaya gusto ko ang takoyaki. Gusto ko din ang yakisoba. Ang yakisoba ay medyo kapareho ng “pansit” sa aking sariling bansa at dahil gusto ko ang pansit, gusto ko ang yakisoba.”
Gumawa tayo ng curry rice
Ang pinakapaboritong pagkain sa Japan ni Mr./Ms. Tran Thi Thu Hoao at Mr./Ms. Nguyen Thi Thuy Linh mula sa Vietnam ay ang curry rice. Hindi gaya sa Indonesian at Thai curry, ang Japanese style curry ay kilala sa lapot nito gamit ang wheat flour, at inilalagay sa kanin bilang “curry rice”. Sa kabilang banda, maaari kang kumain ng curry na mula sa iba’t ibang bansa tulad ng Indian curry at Thai curry sa Japan nitong mga nakaraan. Madaling gumawa ng curry gamit ang curry roux na mabibili sa tindahan, kaya maaari mong subukang gumawa nito mag-isa. Gayundin, maraming mga retort food na binibenta sa mga supermarket at convenience store, kaya subukan mong gamitin ang mga ito kung ikaw ay abala o kung gusto mong kumain ng simpleng pagkain.