Mag-enjoy ng Japanese na pagkain

Mag-enjoy ng Japanese na pagkain

Pagdating Japanese na pagkain, malamang maraming tao ang nag-iisip ng “sushi”, “ramen”, o “tempura”. Maaaring mapaisip ka din kung puro Japanese na pagkain lang ang makakain kapag pumunta ng Japan. Dagdag pa rito, ang mga hindi makakain ng ilang pagkain dahil sa allergy o relihiyon ay maaaring magkaroon ng mga alalahanin sa kanilang diyeta sa Japan. Sa pamamagitan ng mga survey at panayam, tinanong namin ang ilan sa mga dayuhang may karanasan sa pamumuhay sa Japan tungkol sa kanilang diyeta sa Japan.

Contents:

Lahat ba ng pagkain sa Japan ay Japanese na pagkain?

“Hindi lahat ng pagkain sa Japan ay Japanese na pagkain. Wala pa akong nakikilalang dayuhan na nagsabing may problema sila sa pagkain pagkarating sa Japan. Marahil ay may impresyon ka na puro isda lang ang kinakain sa Japan, ngunit hindi iyon ang totoo. Sa katunayan, kung maglalakad-lakad ka sa mga bayan sa Japan, may iba’t ibang uri ng restawran, at sa mga convenience store at supermarket, maraming uri ng pagkain ang naka-display. Naniniwala ako na ang lahat ay makakahanap ng pagkain na angkop sa kanilang panlasa, kahit saang bansa man sila nanggaling sa mundo. Dagdag pa rito, maraming iba’t ibang Japanese na pagkain at napakasarap, kaya kailangan ninyong masubukan ang mga ito,” sinabi ni Ms. Anarbayar Renchinkhoro na pumunta sa Japan mula Mongolia.

 

Saan makakabili ng mga pagkain/sangkap?

Si Mr. Mani Gyawal na pumunta sa Japan mula Nepal ay tila kuntento sa pagkain sa Japan. “Nakakabili ako ng maraming pagkain/sangkap sa supermarket. Napakakombiniyente na may mga supermarket na nagbebenta ng mga pagkain/sangkap mula sa ibang bansa. Gayunpaman, ang mga tindahan ay nagsasara ng bandang 8:00 hanggang 9:00, kaya kapag hindi na ako umaabot sa oras, binibili ko ang mga minimum na kinakailangan sa mga lugar tulad ng 24-oras na convenience store. Pumipili ako ng mga pagkain/sangkap at seasoning na may parehong lasa ng pagkain sa aking sariling bansa, ngunit kapag hindi ko ako nakakakuha nito sa mga malapit na supermarket, bumibili ako sa online. Ang mga Japanese online website ay nagbebenta ng iba’t ibang bagay mula sa ibang bansa, kaya napakakombinyente ang pamumuhay sa Japan,” sinabi niya sa amin.

 

Pag-uugali sa Japanese na pagkain

Katulad sa ibang bansa, may iba’t ibang pag-uugali rin pagdating sa pagkain sa Japan. Dahil maraming matatanda ang nasa pasilidad ng pangangalaga, walang masama sa pag-alam ng tamang pag-uugali sa pagkain.

・Mga parirala sa pagkain: Ipagdikit ang iyong mga kamay at sabihin, “Itadaki masu” (“Kumain na tayo”) bago kumain at “Gochiso sama deshita”(“Maraming salamat sa pagkain”) pagkatapos kumain.

・Paano humawak ng chopsticks: Kunin ang chopsticks gamit ang iyong dominant na kamay. Gamit ang iyong kabilang kamay bilang suporta, hawakan ito. Nitong mga nakaraan, maraming mga video na nagpapaliwanag kaya maaaring subukan mong mag-search ng “How to use chopsticks” (“Paano gumamit ng chopsticks”). Isa pa, masamang pag-uugali na itusok ang iyong chopsticks sa kanin.

・Paghahain ng pagkain: May maraming patakaran sa kung paano maghain ng Japanese na pagkain. Sa mga ito, tandaan na ang kanin ay dapat ilagay sa kaliwa at ang miso soup sa kanan. Kapag binaliktad mo ito, magiging tulad ito ng isang alay para sa patay.

Sa kabilang banda, may mga bagay na masamang pag-uugali sa ibang bansa ngunit hindi sa Japan. Halimbawa, ang paggawa ng tunog habang umiinom ng tsaa at kumakain ng miso soup, soba noodles, o ramen ay hindi masamang pag-uugali sa Japan. Kaya huwag kang magugulat kapag may maririnig kang Hapon na malakas ang tunog habang humihigop ng kanilang noodles!

Ang mga nasa itaas ay ilan lamang sa mga halimbawa ng pag-uugali sa pagkain sa Japan. Maraming pang mga pag-uugali sa pagkain ng Japanese na pagkain, kaya makabubuting mag-research bago pumunta sa Japan at tandaan ang mga ito sa pamamagitan ng practice.

 

Nagkaproblema ka ba sa pagkain dahil sa iyong relihiyon o iba pa problema?

Sinabi ni Ms. Riswanti mula Indonesia, na nagtrabaho sa pasilidad ng pangangalaga sa Hyogo Prefecture, “Bago pumunta ng Japan, nag-aalala ako sa akin diyeta roon. Dahil isa akong Muslim, may mga bagay ako na hindi makain. Nag-aalala ako kung makakabili kaya ako ng halal na pagkain? Saan kaya ako makakabili? Isang Indonesian na may karanasan sa pagtatrabaho sa Japan ang nagturo sakin ng maraming bagay para malutas ang aking mga alalahanin. Sa Japan, maraming mga halal na tindahan gayundin ang mga tindahan na may mga imported na pagkain, kaya hindi ako gaanong nagkaproblema sa pagkain.” Gayundin, sinabi ni Mr. Mani Gyawali mula Nepal, “May mga restawran na maghahanda ng pagkain para sa iyo na wala ang ilang mga sangkap kapag sinabihan mo sila nang maaga tungkol sa mga bagay na hindi mo makain. Napakabait nila. Gayunpaman, minsan ay mahirap basahin ang mga menu sa mga Japanese restaurant, at may ilang beses kung saan nahirapan ako sa pag-unawa ng mga detalye ng mga pagkain.”

Sa 2013, ang “Washoku (Japanese na pagkain)”, bilang “tradisyonal na kultura sa pagkain ng mga Hapon”, ay narehistro sa intangible cultural heritage ng UNESCO. Kapag nagsimula ka sa pamumuhay sa Japan, hinihikayat namin na sumubok kayo ng maraming Japanese na pagkain. May mga restawran na nakasulat parin sa Japanese ang kanilang menu, ngunit isa din itong paraan ng pag-aaral ng Japanese. Gayundin, maraming mga lokal na pagkain sa iba’t ibang rehiyon sa Japan. Idagdag ang “pagkain” sa listahan ng mga bagay na ma-eenjoy pagpunta sa Japan!