Maraming mga tao ang kumukuha ng impormasyon tungkol sa Japan sa pamamagitan ng telebisyon, magasin, at websites. Ang Japan ay isang napakahabang islang bansa mula hilaga hanggang timog. Bagama’t kilala ang malalaking lungsod tulad ng Tokyo at Osaka, may mga kamangha-manghang lungsod at sightseeing spots din sa mga probinsya. Gayundin, dahil ang mga bayan sa Japan ay napapalibutan ng dagat at bundok, maaari kang mag-enjoy ng masasarap na isda at local specialties kung pupunta sa mga probinysa. Marahil ay iniisip mo na pupunta ka sa isang malaking lungsod sa Japan para magtrabaho. Ngayon, sa pamamagitan ng mga survey at panayam, tinanong namin ang ilang mga dayuhang may karanasan sa pagtatrabaho sa Japan tungkol sa halina ng mga probinsya sa Japan.
Contents:
Heograpiya ng Japan, mula hilaga hanggang timog
Mahaba ang heograpiya ng Japan, mula hilaga hanggang timog. Nakakagulat na ang timog na rehiyon ay nabibilang sa subtropical zone habang ang hilaga namay ay nabibilang subcratic zone. Dahil dito, ang taunang average na temperatura sa Okinawa, pinaka mainit na rehiyon, at ang pinakamalamig na inland ng Hokkaido ay nagkakaiba ng higit sa 15 degrees. Maaari kang mag-enjoy mag-ski sa hilaga at tropical beach sa timog. Gayundin, ang Japan ay napapaligiran ng dagat ngunit may iilan lang ang mga kapatagan, at halos dalawang-katlo ng bansa ay kagubatan. Ang mga malalaking lungsod ay puro sa kapatagan, kaya kung pupunta ka sa mga probinsya, makaka-enjoy ka talaga ng mga pagkain at paglilibang na may kaugnayan sa dagat at kabundukan.
Kung interesado kang magtrabaho bilang care worker sa Japan, subukan mong mag-research tungkol sa heograpiya ng Japan.
Quiz: Ang Japan ay may apat na malalaking isla, ngunit ilang isla sa kabuuan, kabilang ang mga islang walang nakatira, mayroon ang Japan?
Sagot: 6852 (mula sa resulta ng 2015 Census)
Halina ng mga probinsya
Kung ihahambing sa laki ng ekonomiya, ang Japan ay isang maliit na bansa. Dahil dito, ang domestic transportation network ng Japan ay mahusay na binuo at maaari kang mag-travel sa iba’t ibang lugar sa pamamagitan ng eroplano, tren, o highway bus. Kahit na nagtatrabaho ka sa probinsya, maaari kang mag-travel sa buong bansa at mag-enjoy sa pag-shopping sa mga malapit na malalaking lungsod sa iyong day off. Gayundin, maaaring ikagulat mo na malaman na maraming mga serbisyo sa Japan kung saan maaari kang bumili ng mga bagay sa online shop at mapapadala ito sa sunod na araw. Kahit sa mga probinsya, halos hindi ka magkakaroon ng problema sa mga pang-araw-araw na pangangailangan.
Pagdating sa halina ng mga probinsya sa Japan, walang makakatalo sa kagandahan ng kalikasan nito. Maraming mga magagandang tanawin na lugar sa probinsya na may dagat, bundok, at ilog sa malapit. Maaari mong i-enjoy ang kultura at pagkain na natatangi sa probinsyang iyon.
Sinabi sa amin ni Annie mula sa Pilipinas na nagtatrabaho sa Japan, “Ang mga tanawin sa probinsya ay napakaganda. Maraming mga regalo ng kalikasan na maaaring ma-enjoy. Kakaunti lamang ang mga bulubunduking kagubatan o bukid sa mga malalaking lungsod at wala gaanong mga hot springs. Sa mga probinsya, maraming iba’t ibang local specialties, tulad ng pagkain, tradisyonal na sining, at mga festival na natatangi sa probinsya. Mahilig ako sa tofu skin (yuba) sa Nikko at Okinawan na pagkain.”
Pagtatrabaho sa probinsya
Kung magtatrabaho ka sa malaking lungsod o sa probinsya ay depende sa iyong mindset. Ang paninirahan sa malaking lungsod ay exciting, ngunit maraming tao at mahal ang mga bilihin. Sa kabilang banda, ang probinsya ay karaniwang may kagandahan ng kalikasan at ang halaga ng pamumuhay ay mas mura. Sinabi ni Mr. Mani Gyawali mula Nepal na nagtrabaho sa Oita, isang probinsya sa Japan, “Dahil sa maraming dahilan, nakasubok akong tumira sa Tokyo at Osaka. Ang parehong lungsod ay napakalaki at napakaganda, ngunit mas gusto ko sa probinsya dahil maganda ang kapaligiran sa trabaho at relasyon ng mga tao. Sa palagay ko, hindi gaya sa malalaking lungsod, sa mga probinsya, mahalaga ang relasyon ng mga tao tulad ng komunikasyon at kultura ng pagtulong. Pakiramdam ko ang mga tao sa probinsya ay tila mas handang tumulong sa iba na may problema. Gayundin, makukuha mo ang lahat ng iyong kailangan sa probinsya gaya ng kung ikaw ay nasa malaking lungsod, kaya maaari kang mag-enjoy magtrabaho sa nakakarelax na kapaligiran.”
Japan, madalas magkaroon ng natural na sakuna
Panghuli, pag-usapan natin ang tungkol sa mga natural na sakuna sa Japan. Maaaring may ilan na nag-aalala sa natural na sakuna sa mga probinsya dahil malapit ang mga ito sa dagat at bundok. Mahalaga na maghanda para sa mga natural na sakuna sa halos lahat ng rehiyon sa Japan, kahit sa malalaking lungsod o probinsya. Ang Japan ay may mga natural na sakuna tulad ng bagyo, malakas na ulan, malakas na pag-ulan ng niyebe, lindol, tsunami, at volcanic eruption. Maaaring alam niyo rin ang tungkol sa lindol at tsunami sa Tohoku noong March 2011 mula sa balita. Dahil dito, naghahanda kami para sa mga natural na sakuna sa pambansa, munisipal, at corporate na antas. Kung magtatrabaho ka sa Japan, mararanasan mo ang mga evacuation drills sa regular na batayan.
Kapag nakaranas ka ng mga sakuna tulad ng lindol sa unang pagkakataon, maaaring maging nakakatakot ito na karanasan. Makabubuting magbasa ng tungkol sa natural na sakuna sa Japan mula sa mga source tulad ng mga link sa ibaba.