Kapag nagtatrabaho sa Japan sa industriya ng pangangalaga mula sa ibang bansa, isang alalahanin ay ang komunikasyon sa mga Hapon. Sa mga panayam na ito, nakausap namin ang mga Hapon na nagtatrabaho kasama ang mga care worker mula sa iba’t ibang bansa. Ang mga provider ng pangangalaga ay nagpahayag ng kanilang kasiyahan at nagsabing naging mas maligaya ang lugar ng trabaho at tumaas ang pakiramdam ng pagkakaisa sa mga staff noong kumuha sila ng mga banyagang staff.
Contents:
Panoorin din ang aktwal na interview video.
Dito, ibinuod namin ang mga karanasan ng mga Hapon na staff na nagtatrabaho sa mga pasilidad kasama ang mga banyagang care wroker mula sa iba’t ibang bansa. Panoorin din ang interview video.
〇Ms. Izumi sa Okayama Prefecture na nagtatrabaho kasama si Ms. Ayu mula sa Indonesia
〇Mr. Uji sa Hokkaido Prefecture na nagtatrabaho kasama sina Mr./Ms. Rin at Mr./Ms. Hoai mula sa Vietnam
〇Ms. Ogura sa Hokkaido Prefecture na nagtatrabaho kasama sina Mr./Ms. Moon at Mr./Ms. Rhee mula sa Cambodia
〇Ms. Kinoshita sa Nagano Prefecture na nagtatrabaho kasama sina Mr./Ms. Stella at Mr./Ms. Lovely mula sa Pilipinas
Ano ang mga positibong aspeto ng pagtatrabaho kasama ang isang banyagang staff?
Ms. Izumi: Bilang tagapagturo, nababalik ako sa simula. Ang kanyang pagsisikap sa pagtrabaho at kasigasigan sa pag-aaral ay nagbibigay inspirasyon sa amin na magsumikap din.
Mr. Uji: Ang kanilang kasigasigan sa trabaho at masigasig na salobin at pagsisikap sa pag-aaral ay nagdudulot ng positibong epekto sa mga Hapon na staff, na nagpapalakas ng kanilang kagustuhang magsikap din.
Ms. Ogura: Sa palagay ko nakagawa kami ng isang paraan upang sagutin sila sa paraang madaling maunawaan.
Mr. Kinoshita: Dahil bihira kaming magkaroon ng pagkakataon na mag-aral ng banyagang wika, lalo na ang Ingles, malaking tulong na mayroon kaming matatanungan kung paano isalin ang ilang mga bagay mula sa Japanese sa Ingles. Dahil magaling sila sa Japanese, marami kaming natutunan mula sa kanila.
Paano nakikipagkomunika ang mga Hapon na staff sa mga banyagang staff? Mayroon ba kayong partikular na mga estratehiya?
Ms. Izumi: Sinisikap kong magsalita ng Hapon sa paraang madaling maunawaan hanggat maaari. Gumagamit ako ng mga kilos, ilustrasyon, at Ingles. Pinipilit ko ring magsalita nang mabagal.
Mr. Uji: Tinitiyak kong makinig nang mabuti at magsalita nang mabagal, at lagi kong sinusubukang ngumiti.
Ms. Ogura: Pinag-uusapan namin ang mga kaganapan at tinatanong, “Paano ito sa Cambodia?” upang lumikha ng kumbersasyon at palalimin ang aming pag-unawa sa isa’t isa.
Mr. Kinoshita: Para sa akin, kapag nakikipagkomunika ako sa Japanese sa pamamagitan ng sulat, iniiwasan kong gumamit ng maraming kanji at sa halip ay gumagamit ako ng hiragana o katakana. Walang malaking isyu sa verbal na komunikasyon, at nakikipag-ugnayan ako sa kanila tulad ng kung paano nakikipag-ugnayan kaming mga Hapon, kaya wala akong partikular na estratehiya.
Mayroon ba kayong mga alaala na hindi ninyo makakalimutan kaugnay ng banyagang staff sa trabaho?
Ms. Izumi: Kahanga-hangang makita siyang sinusubukang makipag-usap sa mga resident at kung papaano siya nagsusumikap na magtrabaho kahit na hindi pa niya naiintindihan ang wika dahil bago lang siya dito. Hindi ko rin makakalimutan ang kaniyang pagsisikap na matuto tungkol sa kulturang Hapon; halimbawa, ang kanyang kasiyahan nang makasuot siya ng yukata.
Mr. Uji: Ang panonood sa kanila na nakaupo sa sofa, umiinom ng tsaa, at nakikipag-usap sa mga resident ay lumilikha ng isang nakakaantig na eksena para sa mga Hapon. Parang apo at lola na masayang nag-uusap.
Ms. Ogura: Nagkaroon kami ng Cambodian dance party sa isang floor event noong Mayo, na ikinatuwa ng lahat. Sa tingin ko nakatulong ito sa kanya na magkaroon ng kumpiyansa sa kanyang kakayahan.
Mr. Kinoshita: Ang kanilang palaging pagngiti at mabait na pakikitungo sa mga resident ay hindi ko makakalimutan. Pati na rin sa amin, na kanilang mga kasamahan, ipinapakita nila ang parehong kabaitan. Ang ganitong pakikitungo ay nakakabilib. Sa kabila ng mga mahirap na sitwasyon, hindi nila ipinapakita ito sa kanilang mga mukha, at masasabi mo talaga na ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya. Nakaka-inspire ang ganitong aspeto nila.
Ano ang reaksyon ng mga resident ng pasilidad sa mga banyagang staff?
Ms. Izumi: Sa una, tila mahirap para sa mga resident na matandaan ang kanilang mga pangalan at mukha, ngunit kapag natandaan na nila, ang ilan sa mga resident ay nagsimulang umasa sa kanila at madalas na tinatawag ang kanilang pangalan. Ang kanilang masigasig na pagtatrabaho ay napaka-cute.
Mr. Uji: Ang mga resident ay nagsasabi ng mga katulad ng “Masipag ka,” “Talagang masigasig ka,” “Gusto ko ang iyong ngiti,” atbp. kapag nakikita nila ang kanilang kasigasigan sa trabaho.
Ms. Ogura: Pakiramdam ng mga resident ay apo nila ang staff dahil sa kanilang pagkamasayahin. Sinasabi nila na ang “menkoi” nila. (ang ibig sabihin ng menkoi ay cute sa Hokkaido dialect).
Mr. Kinoshita: Walang partikular na hindi komportableng reaksyon. Ang mga resident ay nakikipag-ugnayan sa kanila na para ba silang mga ordinaryong mga batang babae, at itinuturing silang mahalagang miyembro ng staff.