Maraming mga care worker mula sa ibang bansa ang kasalukuyang nagtatrabaho sa mga pasilidad ng pangangalaga sa buong Japan. Ano ang pakiramdam na magtrabaho sa bagong kapaligiran gamit ibang wika? Batay sa mga survey at panayam sa mga dayuhan na may karanasan bilang care worker sa Japan, inalam namin ang sagot. Bukod rito, nagbigay rin sila ng payo para sa mga nag-iisip na pumunta sa Japan sa hinaharap. Kung ikaw ay interesado na magtrabaho bilang care worker sa Japan, mangyaring sumangguni rito.
Contents:
Ano ang pinaka-memorable na aspeto ng pagiging care worker?
Ang pagiging care worker ay isang napakahalagang trabaho na may malaking responsibilidad sa pagtulong sa mga matatanda o may kapansanan sa kanilang araw-araw na pamumuhay. Sa kabila nito, maraming alaala ang maaaring likhain ng mga care worker sa pamamagitan ng komunikasyon sa mga resident at pagsali sa mga facility event, atbp.
Ano ang mga alaala na maaari mong likhain kapag nagtatrabaho bilang care worker sa Japan? Narito ang ilang masaya at memorable na mga sandali na ibinahagi ng mga care worker:
・ “Ang pinaka-memorable at masayang sandali ay ang miryenda sa hapon. Nagtitipon ang mga resident sa hall upang kumain ng miryenda, makipag-usap sa mga care worker, kumanta, at maglaro. Napakasaya ko kapag nakikita ko ang mga matatanda na tumatawa at nag-eenjoy. Kahit ang mga abalang care worker ay nakaka-relax sa oras na ito.” (Mr. Albert Fernandez mula sa Pilipinas, isang pasilidad sa Okayama Prefecture)
・”Sa isang facility event, gumawa at nagbenta ako ng Vietnamese pho. Napaka-popular at na-sold out ito pagkatapos ng mga isang oras. Naalala ko kung gaano ako kasaya nang sabihin sa akin ng mga resident at kanilang pamilya na masarap ito. Lubos ko ring naalala ang pagsali ko sa Bon Odori kasama ang matatanda at staff. Iyon ang aking unang Bon Odori, at bagaman hindi ako masyadong magaling dito, nag-enjoy talaga ako.” (Ms. Hoang Thi Ngoc Anh mula sa Vietnam, isang pasilidad sa Hyogo Prefecture)
Sunod, ibinahagi rin nila ang mga nakakagulat na karanasan noong nag-uumpisa pa silang magtrabaho bilang mga care worker sa Japan:
・ “Noong una, nagulat akong makakita ng mga matatanda na naglalakad-lakad sa pasilidad sa gitna ng gabi habang ako’y nasa night shift.” (Mr. Albert Fernandez mula sa Pilipinas, isang pasilidad sa Okayama Prefecture)
・”Isa sa mga nakakagulat na aspeto ng pagiging care worker ay ang pagtulong sa pagligo. Inaasahan kong tutulong sa pagkain, pagdumi, at pagkilos, ngunit sa Japan, tutulong din ang mga care worker sa pagligo.” (Ms. Riswanti mula sa Indonesia)
“Postiso! Sa Japan, may mga matatanda ang gumagamit ng postiso. Hindi ako masyadong makakita ng postiso sa aking bansa, kaya’t nagulat ako nang biglang lumabas ang mga ngipin mula sa bibig ng isang matanda!” (Ms. Hoang Thi Ngoc Anh mula sa Vietnam)
Ano ang personal na pag-unlad na naranasan mo sa pagiging care worker sa Japan?
Mukhang nagbago ang kanilang pag-iisip sa mga bagay at kung paano tratuhin ang mga matatanda sa pamamagitan ng pag-suporta sa mga matatanda at may kapansanan. Bukod rito, ang ilan sa kanila ay ginagamit din ang kanilang mga natutunan sa pangangalaga mula sa Japan pagkatapos bumalik sa kanilang mga bansa. Mukhang may malalim na epekto ang kasanayan sa wika at karanasan sa trabaho sa pangangalaga, na natutunan nila sa isang kapaligiran na iba sa kanilang pinagmulan, sa kanilang susunod na trabaho at buhay. Narito ang ilang komento mula sa mga care worker na may karanasan sa Japan:
・ “Natutunan ko na mahalaga ang paggalang sa mga indibidwal, kahit na sila’y tumatanda o nagkakaroon ng kapansanan. Sa halip na gawin ang lahat para sa kanila, natutunan kong suportahan sila sa paraang nagpapahintulot sa kanila na gawin kung ano ang kaya nila para sa kanilang sarili.”
・”Ang aking tiyahin ay nagkaroon ng stroke at naging bahagyang paralisado, kaya nangangailangan siya ng pangangalaga. Naturuan ko ang aking mga kamag-anak kung paano siya alagaan gamit ang mga kasanayan sa pangangalaga na natutunan ko sa Japan.”
・ “Naalagaan ako ang aking tiyahin na nagkaroon siya ng dementia. Ang lahat ng natutunan ko sa Japan ay naging kapaki-pakinabang, lalo na sa pagtulong sa pagligo, pagkain, pagpapalit ng diapers, atbp.”
・ “Natutunan ko ang kahalagahan ng komunikasyon. Ngayon, mas marunong akong makinig sa mga tao kaysa dati.”
・ “Naging mas kalmado at may kakayahan akong magdesisyon nang mahinahon, sa anumang sitwasyon. Bago ako magalit sa isang tao, iniisip ko ngayon kung ako ba ay nasa tama.”
Payo mula sa mga care worker na may karanasan para sa mga nagpaplano na pumunta sa Japan at magtrabaho sa pangangalaga
Ang paglipat sa isang hindi pamilyar at bagong kapaligiran, paggamit ng hindi nakasanayang wika, at pag-uumpisa ng trabaho bilang care worker para sa unang pagkakataon ay isang hamon araw-araw. Karaniwan ang pagiging homesick dahil sa pagiging malayo sa iyong pamilya o ang pagka-stress dahil sa trabaho, wika, pag-aaral, atbp. Sa kabila ng mga hamon na ito, marami ang nag-eenjoy sa pagkain at kultura ng Japan, na nagpapasaya sa kanilang pamumuhay sa Japan. Narito ang ilang payo mula sa mga taong may karanasan para sa mga nagbabalak magtrabaho sa pangangalaga sa Japan:
・”Magandang mag-aral ng Japanese nang mabuti bago pumunta sa Japan. Ang pagiging mahusay sa Japanese ang magbubukas ng maraming masasayang karanasan. Kaya’t pag-aralan ito nang mabuti.”
・ “Magandang seryosohin ang pag-aaral ng kultura ng Japan at Japanese. Maaring mahirap ito sa simula, ngunit kung makakapag-ugnayan ka nang maayos, ang pamumuhay sa Japan ay hindi na gaanong kahirap.”
・ “Sa iyong mga araw ng pahinga, mahalagang lubos na mag-enjoy (tulad ng pagpunta sa sinehan o pag-enjoy sa pagtingin sa cherry blossoms) at mag-relax. Mahalaga ang mag-refresh.”
・ “Maraming patakaran sa Japan. Magandang ideya na magtipon ng impormasyon nang maaga at pag-aralan ang mga ito isa-isa pagdating mo doon.”
・ “Naranasan kong maging homesick ilang buwan matapos magsimula ang aking trabaho. Nalampasan ko ito sa pamamagitan ng pagpapaalala sa aking sarili kung bakit ako pumunta sa Japan at pagpapalakas ng aking loob. Maaring mahirap sa simula, ngunit kapag nasanay ka na sa buhay sa Japan, nagiging tunay na masaya ito.”
・ “Bagaman hindi ko nakikita ang aking pamilya habang nasa Japan, may magandang WiFi ang bansa, kaya’t nagagawa kong makipag-video call sa kanila, kaya napapanatag ako. Bukod dito, kung may mga kababayan ka na nagtatrabaho sa parehong pasilidad, maaari kayong maging napakalapit sa kanila, halos tulad na rin ng pamilya.”