Nakapanayam namin sina Ms. Lovely at Ms. Stella, mula sa Pilipinas na nakatira sa Nagano.
Lovely Estorgio at Marie Stella Vi S.Moreno
Lovely Estorgio
・Bansang pinagmulan: Pilipinas
・Taon ng pagdating sa Japan: 2016
・Residence status: Pangangalaga
・Antas ng kakayahan sa wikang Hapon: N3
Marie Stella Vi S.Moreno
・Bansang pinagmulan: Pilipinas
・Taon ng pagdating sa Japan: 2016
・Residence status: Pangangalaga
・Antas ng kakayahan sa wikang Hapon: N2
Interview
Bakit ka pumunta sa Japan? Ano ang naging dahilan kung bakit mo pinili na pumunta sa Japan?
Ang dahilan kung bakit ako pumunta sa Japan ay para mag-aral. Dumating ako rito upang mag-aral. Nais kong magtrabaho dito sa Japan.
Simula pagkabata, pangarap ko na talagang makapunta sa Japan. Ang suweldo sa Japan ay mas mataas kumpara sa aking bansa, kaya gusto kong bigyan ng magandang buhay ang aking mga magulang.
Mangyaring ikwento mo kung ano ang nagbigay sa iyo ng interes na magtrabaho sa pangangalaga.
Mayroon akong interes sa trabaho sa pangangalaga. Gusto ko ang trabaho na nag-aalaga sa mga tao.
Pangarap kong makapunta sa Japan at magtrabaho dito. Nagtrabaho ako bilang nurse sa aking bansa, at halos magkapareho ang mga gawain ng nurse at tagapangalaga, kaya pumunta ako dito.
Ano ang nagbibigay sa iyo ng pakiramdam ng kasiyahan at kaligayahan sa pagtatrabaho sa pangangalaga?
Masaya ako kapag nakikita ko ang mga ngiti ng mga resident at kapag nagsasabi sila ng “Salamat.”
Ano ang magagandang aspeto ng pasilidad kung saan ka nagtatrabaho ngayon?
Maganda ang lokasyon ng pasilidad. Katabi ito ng Suwa Lake, kaya makikita mo ang mga paputok mula rito tuwing summer. Ang mga staff ay napakabait at lahat sila ay tumutulong sa akin. Isa itong napakagandang lugar.
Ano ang mga magagandang aspeto ng lugar kung saan ka nakatira ngayon?
Kasalukuyan akong nakatira sa Nagano Prefecture, at medyo rural ito kaya’t mababa ang halaga ng mga bilihin. Nakakapag-ipon din ako.
Ano ang mga alaala o kwento sa iyong pamumuhay sa Japan na nag-iwan ng malalim na impresyon sa iyo?
Una kong winter dito. Napakalamig, pero kapag tiningnan ko ang tanawin, puti na puti at napakaganda. Akala ko nasa panaginip ako. At noong nagtapos ako sa Japanese language school at sa vocational school para sa pangangalaga at naging tagapangalaga, pakiramdam ko ay nagbago ang aking buhay.
Ano ang mga bagay na ikinatuwa mo sa pagtatrabaho sa larangan ng pangangalaga?
Masaya ako sa trabahong ito. Mahal ko ang mga matatanda, kaya’t gusto ko ang pag-aalaga sa mga tao. Tuwing nagsasabi ang mga resident ng ‘Salamat’ at kapag nakikita ko ang kanilang mga ngiti, labis akong natutuwa.
Ano ang mga bagay na mahirap sa trabaho sa pangangalaga?
Ang Japanese ay mahirap. Bukod dito, lahat ng ginagawa ko ay bago para sa akin, kaya’t ito rin ay mahirap. Pero sa paggawa ko ng mga ito nang maraming beses, nasanay din ako. Ang trabaho sa pangangalaga ay hindi madali, ngunit sa tiyaga at pagsisikap, nagiging mas madali ito.
Nakatanggap ka na ba ng papuri mula sa mga resident ng inyong pasilidad? Anong mga salita ang sinabi nila sa iyo?
Habang nagtatrabaho ako, sinasabi nila sa akin, “Ang husay mo; magaling; ang galing mo.” Sinabi rin ng mga kasamahan kong empleyado, “Mahusay ka, Lovely, salamat sa iyong kasipagan,” at labis akong natutuwa.
Nagbago ba ang iyong imahe ng trabaho sa pangangalaga matapos mo itong subukan?
Ang trabaho ng isang tagapangalaga ay hindi lamang tungkol sa pagsuporta sa mga resident at matatanda, kundi pati na rin sa paggalang sa kanilang damdamin, at paggabay at pagpapalawak ng kanilang kakayahan. Iyon ang naging imahe ko ng pagiging tagapangalanga ngayon.
Ano ang mga layunin at pangarap mo para sa hinaharap?
Gusto kong tuluyan nang manatili sa Japan. Nais kong madala ang aking pamilya rito.
Kapag nakauwi ako sa aking bansa, nais kong magtayo ng pasilidad kagaya nito. Gusto kong makatulong sa mga tao sa aking bansa na matutunan kung paano alagaan ang mga matatanda.
Ano ang mensahe mo para sa mga taong nag-iisip na magtrabaho sa pangangalaga sa Japan?
Maganda ang trabaho sa pangangalaga sa Japan.
Bilang isang tagapangalaga, marami kang oportunidad sa Japan, at ang bansa ay napakaligtas at komportable para sa pagtatrabaho.
Paano ka nag-aral ng Japanese at trabaho sa pangangalaga?
Nag-aral ako ng Japanese sa pamamagitan ng panonood ng anime at mga pelikulang Hapon. Pagkatapos nito, nag-aral ako sa isang Japanese language school sa loob ng mga dalawang taon, at pagkatapos ay pumasok ako sa isang vocational school para sa pangangalaga.
Sa iyong pag-aaral ng Japanese, ano ang mga bagay na sa tingin mo ay mahirap?
Ang pinakamahirap ay ang kanji. Kailangan mong matutunan ito mula sa simula. Dahil marami rin ang hiragana at katakana, kailangan mo talagang mag-aral.
Ang gramatika at kanji ang pinakamahirap, at hanggang ngayon, mahirap pa rin para sa akin ang paggamit ng magalang na wika.
Mayroon bang mga tips o paraan para mabilis na matutunan at gumaling sa Japanese?
Araw-araw, nag-aaral ako ng 5 hanggang 10 na mga salita. Nanonood ako ng anime at mga Japanese drama. Nakikipag-usap ako sa mga Hapon.
Madalas dapat magsalita sa Japanese at manood ng mga pelikulang Hapon at magbasa ng mga libro. Kapag nanonood ng pelikula o anime, mas magandang Japanese lang ang gamitin at iwasan ang iba pang mga wika para gumaling sa Japanese.
Paano ka nag-aral para sa pagsusulit sa Certified Care Worker? Ano ang mga materyales at paraan ng pag-aaral na ginamit mo?
Gumamit ako ng ‘Kaigo Navi.’ Napaka-kapaki-pakinabang nito. Ang mga salita at kanji ay madaling intidihin at tandaan. Paulit-ulit kong binabasa ito. Binasa ko ang lahat ng mga textbook nang maraming beses sa Ingles at Japanese.
Para sa pagsusulit, gaano karaming oras ang inilaan mo sa pag-aaral bawat araw?
Noong ako ay nasa ikalawang taon sa paaralan, nagsimula na akong mag-aral para sa pagsusulit. Pumapasok ako sa paaralan mula 9 ng umaga hanggang 4 ng hapon, at pagkatapos ng klase, nag-aaral ako ng mga 2 oras sa bahay. Sa mga araw ng pahinga, nag-aaral ako ng mga 4 na oras nang mag-isa.
Ano ang mga bagay na mahirap sa pag-aaral para sa pagsusulit?
Ang mga kanji at salita ang pinakamahirap. Sa pangangalaga, maraming espesyal na termino ang kailangan mong tandaan.
Ano ang ginagawa mo tuwing araw ng pahinga?
Dahil sa epekto ng COVID, hindi ako makalabas, kaya ngayon ay nasa loob lang ako ng kwarto. Gumagamit ako ng social media, nagpapadala ng mga mensahe sa mga kaibigan at kamag-anak. Mayroon din akong YouTube channel. Bukod pa rito, nagti-TikTok ako at nagluluto.
Sa mga araw ng pahinga, nanonood ako ng anime at pelikula sa bahay, at naglilinis. Hindi ako madalas lumabas, kaya gusto kong pumunta sa ibang mga lugar, ngunit dahil may COVID pa rin, hindi ko magawa ito.
Ano ang paborito mong pagkain sa Japan?
Ang paborito kong pagkain sa Japan ay donburi, katsudon, tendon, gyudon, at oyakodon. Napakasarap nila.
Ang unang Japanese food na natikman ko ay takoyaki, kaya gusto ko ito. Gusto ko rin ang yakisoba. Medyo magkahawig ang yakisoba sa “pancit” ng bansa ko, na gusto ko rin, kaya gusto ko ang yakisoba.
Ano ang mga paborito mong lugar o tanawin sa Nagano Prefecture?
Sikat na sikat ang Matsumoto Castle. Malapit it sa Shiojiri, kaya mga 30 minuto ang biyahe sa tren. Tuwing Pasko, napakaganda ng pailaw sa Azumino. Maraming ski resort sa Nagano Prefecture, kaya gusto ko rin ang skiing, ngunit hindi ako gaanong magaling dito.
Ang pinakapaborito kong lugar ay ang Tateishi Park. Nasa tuktok ng bundok ito, at mula roon, makikita mo ang buong tanawin ng Suwa Lake. Napakaganda. Lumabas din ang tanawin ng Suwa Lake sa anime na pelikula na ‘Your Name.’
Para sa mga kababayan mong planong pumunta sa Japan, ano ang mga payo mo para mas mag-enjoy sila sa kanilang buhay dito?
Mahalaga ang pag-aaral ng Japanese. Mula sa simula, kailangan mong mag-aral ng mga pagbati, salita, hiragana, katakana, kanji, atbp.
Ang trabaho sa pangangalaga ay talagang rewarding. Kailangan mong matutunan ang Japanese at ang mga kasanayan. Ang pinakamahalaga ay ang pagtuon sa iyong mga layunin at pagiging matiyaga.
Contents: