Tunay na Kuwento ng isang Dayuhang Nagtatrabaho bilang Care Manager sa Japan 3

Tunay na Kuwento ng isang Dayuhang Nagtatrabaho bilang Care Manager sa Japan 3

Sa unang bahagi ng aming serye ng panayam kay Dicki Yonata, isang EPA care worker na naging care manager sa Kenshokai Baden Healthcare Facility for the Elderly sa Takamatsu City, Kagawa Prefecture, tinanong namin kay Dicki ang mga bagay na nagagawa niya dahil isa siyang dayuhan, gayundin ang mga layunin niya sa hinaharap.

Dicki Yonata

Ipinanganak sa Sumatra, Indonesia, si G. Yonata ay dumating sa Hapan noong 2012 bilang isang kandidatong manggagawa sa pangangalaga sa ilalim ng EPA. Naging kuwalipikado siya bilang isang sertipikadong manggagawa sa pangangalaga noong 2015 at bilang espesyalista sa suporta sa pangangalaga (tagapamahala ng pangangalaga) noong 2021. Ikinasal siya sa parehong taon at ngayon ay isang ama sa dalawang anak.

Contents:

Mensahe sa mga nagtatrabaho sa industriya ng pangangalaga sa ilalim ng EPA

Ang pagiging isang manggagawang tagapangalaga o care worker ay maaaring parang isang trabahong nagsasangkot ng pagtulong sa mga tao, pero sa tingin ko, isa talaga itong trabaho na nagpapahintulot sa iyo na sumulong. May mga bagay kaming nagagawa dahil dayuhan kami, at mapapaunlad din namin ang kapaligiran sa aming trabaho sa pamamagitan ng pag-aalok ng mga bagong pananaw at pagsasamantala sa mga pagkakaiba ng kultura.

 

Halimbawa, pwede mong ipakilala ang mga lutuin ng iyong bansa, gaya ng nasi goreng ng Indonesia o iba pang putahe, sa mga menu. Subukan ding sabihin ang mga pagbati sa Japan  gaya ng“Arigato” at “Ohayo” sa iyong sariling wika. Kahit sa paggawa lang niyan, makikita mo na masayang makikinig sayo ang mga pasyente sa Japan. Kung sasamantalahin mo ang mga natatanging pananaw at ideya mo dahil isa kang dayuhan, makakalikha ka ng mas maraming bagong paraan ng komunikasyon.

 

Para sa mga naghahangad na maging care manager, gusto kong hindi lang kwalipikasyon ang kanilang makamit, kundi maging mga care manager din sila na laging inuuna ang kagustuhan ng mga pasyente nila. Mangyaring bigyan-pansin ang maliliit na pagbabago sa mga pasyente ninyo, at lagi silang obserbahang mabuti para makita kung naaangkop sa kanila ang kanilang plano sa pangangalaga at tulungan silang makamit ang mga tunay na kagustuhan nila.

 

Dahil isa akong nars noon, ginamit ko ang kaalaman ko bilang nars para bumuo ng mga plano sa pangangalaga. Gayunman, maging para sa mga may malalang kondisyong medikal, nakatuon kami sa uri ng pamumuhay na gusto ng indibidwal para sa sarili niya, nang walang pagtatangi sa medikal na pangangalaga. Halimbawa, kahit na may diyabetis ang isang pasyente, tinitiyak kong makakakain sila ng gusto nila paminsan-minsan — nang hindi naaapektuhan ang kanilang kalusugan, siyempre. Isang pagpapala ang masiyahan sa masarap na pagkain.

 

Mula noong magsimula akong bumuo ng mga plano, tuwang-tuwa ako kapag sinabi ng mga tao sa akin na gumaling sila dahil sa mga plano ko. Minsan ay nagkaroon ako ng pasyenteng naka-wheelchair nang pumasok siya sa pasilidad, pero nakalakad siya matapos siyang maglaan ng panahon para magawa ang mga layunin sa kaniyang plano ng pangangalaga. Gusto ng pasyenteng iyon na umuwi sa kanilang bahay, at magiging mahirap para sa kaniya na tumira sa  bahay kung hindi siya nakakalakad, kaya inilagay ko siya sa plano ng rehabilitasyon para mapalakas ang kaniyang binti. Sa huli, natupad ko ang kaniyang kahilingan.

 

Mga layunin sa hinaharap bilang care manager

Maraming dayuhang miyembro ng staff ang nagkakaproblema sa pakikipag-usap sa isa’t isa sa lugar ng trabaho dahil sa mga pagkakaiba sa kultura at wika. Layunin kong lumikha ng komportableng kapaligiran sa trabaho para sa mga taong iyon. Para sa mga naghahangad na maging care manager, gusto ko silang suportahan para magkaroon sila ng kumpiyansa at matupad ang pangarap nila sa pamamagitan ng paggamit sa aking pananaw bilang isang dayuhan.

 

Naninirahan ako sa Kagawa Prefecture simula nang dumating ako sa Japan. Tatlong taon na ang nakakalipas, pinakasalan ko ang isang babae na nakilala ko sa trabaho, at mayroon kaming dalawang anak. Sa tingin ko, ligtas at komportableng mamuhay sa Japan. Minsan ay nawala ang pitaka ko, at nakuha ko itong muli nang walang anumang nawawala dito. Maaari kang bahagyang mahirapan pagdating sa relihiyon, pero mas dumadami na ngayon ang mga lugar kung saan puwedeng manalangin ang mga Muslim.

 

Baka nahihirapan ka sa pagtatrabaho bilang isang EPA care worker o paghahangad na maging care manager, pero balang araw ay masisiyahan ka dahil nagsikap ka.  Sama-sama tayong magsumikap!