Talakayan kasama ang mga pumasa sa “Pambansang pagsusulit para sa Certified Care Worker” para sa mga banyagang tagapangalaga (May apat na bahagi)

Talakayan kasama ang mga pumasa sa “Pambansang pagsusulit para sa Certified Care Worker” para sa mga banyagang tagapangalaga (May apat na bahagi)

Noong Marso 25, 2024, inihayag ang resulta ng pambansang pagsusulit para sa Certified Care Worker. Sa taong ito, 74,595 tao ang kumuha ng pagsusulit at 61,747 tao ang naging bagong Certified Care Worker.

Binabati namin ang lahat ng pumasa! At maraming salamat sa inyong pagsisikap sa pag-aaral para sa pagsusulit habang nagtatrabaho.

Ngayon, nag-aalok ang Japan Care Worker Guide ng talakayan kasama ang mga banyagang tagapangalaga na nakapasa sa “Pambansang pagsusulit para sa Certified Care Worker.”

Maaaring panoorin ang buong seminar sa YouTube sa “Japan Care Worker Guide” o sa aming Facebook page.

Available din ito sa Instagram.

Contents:

Talakayan kasama ang mga banyagang nakapasa sa "Pambansang pagsusulit para sa Certified Care Worker": ①Mga paraan ng pag-aaral ng mga nakapasa upang patuloy na magtrabaho sa Japan nang sama-sama

 

Talakayan tungkol sa pambansang pagsusulit para sa Certified Care Worker “Upang patuloy na magtrabaho sa Japan nang sama-sama”
Nais naming marinig ang iba’t ibang kwento mula sa mga nagtatrabaho bilang tagapangalaga sa Japan.
Sa talakayan na ito, itatampok namin ang mga banyagang may hawak ng kwalipikasyon na Certified Care Worker at aktibong nagtatrabaho sa larangan ng pangangalaga. Layunin naming ibahagi ang iba’t ibang impormasyon tungkol sa pambansang kwalipikasyon at pagsusulit para sa Certified Care Worker sa mga interesado na makuha ang pambansang kwalipikasyon na ito.
Sa unang bahagi, tinanong namin ang tungkol sa kanilang mga profile at mga pamamaraan ng pag-aaral.

 

Talakayan kasama ang mga banyagang pumasa sa pambansang pagsusulit para sa Certified Care Worker: ②Pagbabalanse ng trabaho sa pangangalaga at pag-aaral upang patuloy na magtrabaho sa Japan nang sama-sama

Sa ikalawang bahagi, tinanong namin kung paano nila nasasabay ang trabaho sa pangangalaga at pag-aaral.

 

Talakayan kasama ang mga banyagang pumasa sa pambansang pagsusulit para sa Certified Care Worker: ③ Suporta mula sa ibang tao upang patuloy na magtrabaho sa Japan nang sama-sama

Sa ikatlong bahagi, tinanong namin kung paano sila sinuportahan ng kanilang mga pinagtatrabahuhang pasilidad at mga senior na katrabaho, at kung paano nila isinulong ang kanilang pag-aaral kasama ang mga kapwa banyagang kasamahan.

 

Talakayan kasama ang mga banyagang pumasa sa pambansang pagsusulit para sa Certified Care Worker: ④Mga pagbabago pagkatapos makapasa at mga pangarap sa hinaharap upang patuloy na magtrabaho sa Japan nang sama-sama

Sa ikaapat na bahagi, tinanong namin kung ano ang mga pagbabago na naranasan nila pagkatapos pumasa sa pambansang pagsusulit para sa Certified Care Worker at magtrabaho bilang tagapangalaga, at kung anong uri ng karera ang nais nilang tahakin sa hinaharap.

 

Pagpapakilala sa tagapangasiwa

Profile ni Professor Eri Aoi
Tagapagturo sa General Incorporated Association International Exchange & Japanese Language Support Y
Mula noong 2011, nakatuon siya sa pagsuporta sa pag-aaral ng mga banyagang kandidato para maging Certified Care Worker na dumating sa Japan sa ilalim ng EPA (Economic Partnership Agreement).
Kasalukuyan din siyang kasali sa pagtuturo ng mga banyagang tagapangalaga na dumating sa Japan sa ilalim ng Technical Intern Trainee at Specificied Skilled Worker program.
Siya ay isang training instructor, gumagawa ng mga textbook at pagsusulit, at nagbibigay ng pang-edukasyon na gabay sa mga welfare facility.
[Mga pangunahing kwalipikasyon]
Nakakumpleto ng 420 oras na Japanese Language Teacher Training Course
Nakapasa sa Japanese Language Teaching Competency Test, social worker

Profile ni Professor Sayuri Igarashi
Direktor ng Welfare Human Resource Development Institute at M&L
Kasabay ng pagsisimula ng nursing insurance, nagsilbi siya bilang care manager sa YMCA home care office habang nagtuturo din sa YMCA Welfare Vocational School.
Mula noong 2007, naging punong-guro siya ng parehong paaralan at kasalukuyang siyang direktor ng Welfare Human Resource Development Institute at M&L.
Isa siyang eksperto sa pagsasanay na nakabatay sa medical evidence.
[Maikling Curriculum Vitae] Punong-guro ng YMCA Welfare Vocational School, Tagapamahala ng external training, Direktor ng Academic Affairs, at Guro sa mga paksang medikal at praktikal na pagsasanay.
[Mga pangunahing kwalipikasyon] Nurse, Public Health Nurse, Care Support Specialist, Care Instructor, Medical Care Instructor