Noong Marso 25, 2024, inihayag ang resulta ng pambansang pagsusulit para sa Certified Care Worker. Sa taong ito, 74,595 tao ang kumuha ng pagsusulit at 61,747 tao ang naging bagong Certified Care Worker.
Binabati namin ang lahat ng pumasa! At maraming salamat sa inyong pagsisikap sa pag-aaral para sa pagsusulit habang nagtatrabaho.
Ngayon, nag-aalok ang Japan Care Worker Guide ng serye para sa mga banyagang tagapangalaga ukol sa “Pambansang pagsusulit para sa Certified Care Worker.”
Ipinapakilala namin ang online seminar na pinamagatang “Pag-aaral ng wikang Hapon para makapasa sa pambansang pagsusulit para sa Certified Care Worker,” na pinangunahan ni Professor Eri Aoi.”
Maaaring panoorin ang buong seminar sa YouTube o sa aming Facebook page.
Contents:
Nilalaman ng Online Seminar: "Pag-aaral ng wikang Hapon para makapasa sa pambansang pagsusulit para sa Certified Care Worker ni Professor Eri Aoi
Upang makapasa sa pambansang pagsusulit, kinakailangang matutunan ang iba’t ibang kaalaman sa pangangalaga sa wikang Hapon.
Mahirap ang mag-aral habang nagtatrabaho, ngunit kahit na pagod ka, mahalaga na magpatuloy araw-araw kahit kaunti lang.
Ang pag-aaral ng mga salita sa oras ng trabaho at sa pang-araw-araw na buhay ay nakakatulong din sa pag-aaral para sa pambansang pagsusulit.
At ang patuloy na pag-aaral ay magiging malaking tulong para makapasa ka. Ang mga kaalaman sa pangangalaga at wikang Hapon na iyong pinag-aralan ay tiyak na magiging kapaki-pakinabang.
Magiging mas mataas din ang iyong kakayahan sa pakikipag-ugnayan sa mga resident at mga kasamahan sa trabaho. Huwag mag-atubiling subukan ang pambansang pagsusulit!
Tungkol sa wikang Hapon para sa pagpasa sa pambansang pagsusulit. Ngayon, ipakikilala namin ang limang pangunahing puntos kung anong klaseng Japanese ang lumalabas sa pagsusulit, kung anong Japanese ang dapat ninyong matutunan, at gagamitin ang mga aktwal na keyword na lumalabas sa pagsusulit.
1. Aralin natin ang Japanese na ginagamit sa pangangalaga!
2. Aralin natin ang Japanese sa trabaho at sa pang-araw-araw na buhay!
3. Aralin natin ang mga kahulugan ng mga kanji!
4. Ang gramatika ng pambansang pagsusulit ay hindi mahirap!
5. Magbasa ng mga teksto sa Japanese!
Profile ni Professor Eri Aoi
Tagapagturo sa General Incorporated Association International Exchange & Japanese Language Support Y. Mula noong 2011, nakatuon siya sa pagsuporta sa pag-aaral ng mga banyagang kandidato para maging Certified Care Worker na dumating sa Japan sa ilalim ng EPA (Economic Partnership Agreement). Kasalukuyan din siyang kasali sa pagtuturo ng mga banyagang tagapangalaga na dumating sa Japan sa ilalim ng Technical Intern Trainee at Specificied Skilled Worker program. Siya ay isang training instructor, gumagawa ng mga textbook at pagsusulit, at nagbibigay ng pang-edukasyon na gabay sa mga welfare facility.
[Mga pangunahing kwalipikasyon] Nakakumpleto ng 420 oras na Japanese Language Teacher Training Course, nakapasa sa Japanese Language Teaching Competency Test, social worker