Estilo ng pagtatrabaho at mga patakaran sa pamumuhay sa Japan

Estilo ng pagtatrabaho at mga patakaran sa pamumuhay sa Japan

Kapag pupunta ka sa Japan para magsimula ng bagong buhay, anong mga patakaran ang hindi pamilyar ang mga dayuhan? Ang bawat bansa ay may kani-kanilang sariling patakaran at pag-uugali para sa trabaho at pamumuhay. Sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga ito bilang bahagi ng kultura, maaari kang mamuhay at makapagtrabaho nang maayos. Ibabahagi namin ang ilan sa mga sagot mula sa mga survey at panayam sa mga dayuhang may karanasan sa pagtrabaho sa Japan tungkol sa kanilang estilo ng pagtatrabaho at mga patakaran sa pamumuhay sa Japan na hindi napapansin ng mga Hapon.

Contents:

Estilo ng trabaho sa lugar ng trabaho

Tila magkakaiba ang nararamdaman ng mga tao patungkol sa mga patakaran sa lugar ng trabaho sa Japan, depende kung saang bansa sila nanggaling at kanilang pananaw. Gayundin, bagama’t ang estilo ng trabaho ay magkakaiba nang kaunti depende sa kumpanya o pasilidad kung saan ka nagtatrabaho, ang pinakakaraniwan na tugon ay, “Strikto sila sa oras.”

Ating tuklasin ang ibang mga komento tungkol sa mga estilo ng pagtatrabaho mula sa mga may karanasan na care workers gayundin kung paano nila natugunan ang mga ito sa Japanese facilities na tumanggap sa kanila.

・”Noong nag-umpisa akong magtrabaho sa Japan, nakaranas ako ng iba’t ibang paghihirap dahil sa pagkakaiba ng kultura ng aking bansa at ng Japan. Lalo akong nahirapan sa pamamahala ng aking iskedyul, gawi sa mahigpit na pagsunod sa oras, pananalita sa mga resident at iba pang staff sa pasilidad ng pangangalaga, at personal grooming. Sa aking sariling bansa, hanggang sa ginagawa mo nang maayos ang iyong trabaho, hindi mo kailangan mag-alala sa oras. Gayundin, hindi ko gaano kailangan bigyan-pansin ang hierarchy sa lugar ng trabaho o gumamit ng ispesipikong pananalita.”

・”Noong pumunta ako sa Japan para magtrabaho, ang pinakamagandang patakaran na naranasan ko ay ang diwa ng “Magsimula sa pagkilos limang minuto nang maaga. Kung on time ka, late ka na.” Ang isang taong nagpaplano nang maayos ay magalang sa oras ng ibang tao. Isa pa sa nagustuhan ko ay ang nengajo (New Year’s postcards), na ipinapadala sa simula ng taon at kung saan nakasulat ang mga pagbati ng bagong taon. Sa panahon ng elektronikong komunikasyon, ang makatanggap ng nakasulat na pagbati sa papel ay nagbibigay ng pakiramdam ng tunay na koneksyon sa tao.”

・”Sa palagay ko ay maraming mga meeting sa lugar ng trabaho sa Japan kaysa sa aking sariling bansa. May mga panahon na may meeting buong araw. Gayundin, ang ilan ay nagtatrabaho ng mahabang oras.”

Maaari mo din maunawaan ang mga mahahalagang punto tungkol sa mga estilo ng pagtatrabaho sa Japan sa pamamagitan ng mga dokumentong isinulat para sa mga pasilidad ng pangangalaga sa Japan. Sumangguni sa ilang mga punto rito:

・Sa Japan, may mga panahon kung saan sinasadya namin na hindi sabihin ang isang bagay at sinusubukang makipagkomunika sa pamamagitan ng “pagbabasa ng atmospera” at “pagkuha ng mga intensyon”.

・Sa lugar ng trabaho sa Japan, mahalaga ang “Hokoku (iulat), Renraku (makipagkomunika), at Sodan (kumonsulta)”

 

Mga patakaran at pag-uugali sa pamumuhay sa lipunan

Kapag pupunta ka sa Japan bilang turista, maaari mong madiskubre na maraming mga patakaran at pag-uugali sa lipunan na naiiba sa iyong sariling bansa. Gayunpaman, madidiskubre mo na mas marami pang mga patakaran at pag-uugali kapag aktwal na naninirahan ka sa Japan, hindi bilang turista. Maaari kang pumunta sa Japan at unti-unting alamin ang mga patakaran sa lipunan, ngunit sa pamamagitan ng pag-research nang maaga, maaari mong maiwasan makaabala sa mga tao sa iyong paligid at maiwasan ang mga hindi kaaya-ayang mga karanasan. Tingnan natin ang ilan sa mga komento mula sa mga dayuhang nanirahan sa Japan:

・”Ang patakaran sa pang-araw-araw na pamumuhay na una kong naranasan pagkarating sa Japan ay ang paghihiwalay ng basura. Natutunan ko na sa pamamagitan ng tamang paghihiwalay ng mga nasusunog na basura, hindi nasusunog na basura, recyclable, malalaking basura, atbp. maaari itong ma-recycle pagkatapos makolekta.”

・”Ang mga Hapon ay may gawi ng madalas na pagbati sa ibang tao. Namangha ako sa kung paano sila bumati at makipag-usap sa isa’t isa sa trabaho, paaralan, tindahan, pampublikong transportasyon, atbp. Gayundin, mayroon silang magandang pag-uugali sa basura. Sa palagay ko ang pag-uugali ng mga Hapon na panatilihing malinis hindi lamang ang kanilang mga bahay kundi pati ang lahat sa kanilang paligid at ang pagbibigay nila ng kahalagahan sa kapaligiran ay kahanga-hanga.”

・”Bago pumunta sa Japan, nag-travel ako nang ilang beses kaya akala ko hindi na ako magugulat sa kanilang pamumuhay, ngunit nang aktwal na akong nanirahan sa Japan, nakadiskubre ako ng iba’t ibang mga bagay. Partikular na dapat ihiwalay ang basura.”

Sa pamumuhay, tila maraming mga komento tungkol sa patakaran sa paghihiwalay ng basura. Sa karamihang kaso, may mga nakatakdang araw ng linggo kung kailan maaari mong itapon ang iyong hiniwalay na basura sa nakatakdang lugar ng pagtatapon (hindi dapat magtapon ng basura sa gabi bago ang itinakdang araw ng koleksyon). Gayundin, sa karamihang kaso, kailangan mong bumili ng nakalaang trash bag at ilagay roon ang iyong mga basura.

Ang mga patakaran sa pamumuhay sa lipunan ay naiiba depende sa lugar kung saan ka nakatira. Kapag pumunta ka sa Japan at nagsimula sa trabaho, makabubuting kumpirmahin ang mga ito sa mga taong naninirahan sa parehong lugar.

Gayundin, ang bawat lokal na pamahalaan ay nagbibigay ng impormasyon tungkol dito, kaya mangyaring kumpirmahin ang tungkol dito roon.

Bilang sanggunian, nais naming ipakilala ang booklet na inisyu ng pamahalaan ng Tokyo na nagbibigay ng impormasyon para sa mga dayuhang magsisimula sa pamumuhay sa Tokyo, “Life in Tokyo: Your Guide“.